14 patay sa bagyong Soudelor sa China

A street corner is filled with a mangled rooftop brought down by strong winds from Typhoon Soudelor in Taipei, Taiwan, Saturday, Aug. 8, 2015. Soudelor brought heavy rains and strong winds to the island Saturday with winds speeds over 170 km per hour (100 mph) and gusts over 200 km per hour (120 mph) according to Taiwan's Central Weather Bureau. (AP Photo/Wally Santana)
Epekto ng Tyhphoon Soudelor sa Taipei / AP Photo

Umabot na sa labing-apat ang nasawi sa bagyong Soudelor sa Southeastern China habang mayroon pang apat na nawawala.

Sa Eastern City of na Wenzhou, na nakaranas ng matinding pag-ulan at mudslides, labing-dalawa ang nasawi dahil sa mga nawasak na bahay. Ang dalawa pang nasawi ay mula sa kalapit na Lishui City.

Sa report ng China state media, nag-landfall ang Typhoon Soudelor sa Putian City noong Sabado ng gabi.

Mahigit 185,000 katao ang inilikas sa mas matataas na lugar dahil sa pagbahang dulot ng bagyo.

Nauna nang nanalasa sa Taiwan ang bagyo partikular sa Hualien City. Kung saan umabot sa 210 kilometers kada oras ang pagbugso ng nasabing bagyo./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...