Mas mahigpit na seguridad sa Divisoria, ipinag-utos ni Erap

Divisoria marketIniutos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang paghihigpit ng seguridad sa mga shopping districts ng lungsod tulad ng Divisoria kasunod ng mga ulat ng mga batang nawawala dahil sa holiday shopping rush.

Naitala ng Manila Police District (MPD) ang anim na kaso ng mga nawawalang mga bata noong nakaraang weekend sa Divisoria pa lang.

Ayon sa MPD, natagpuan at naibalik na rin kani-kanilang mga pamilya ang mga ito matapos ang isanagawang paghahanap sa naturang lugar.

Ayon kay Estrada nakakalungkot na may mga nawawalang bata sa kasagsagan ng mga Christmas rush shopping.

Dagdag pa ni Estrada n asana huwag na lang isama sa pamimili ang maliliit na bata dahil mahihirap lang sila dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...