Kinilala ang biktima na si Senior Inspector Alexander Nuñez na pauwi na ng Cordova nang ito ay tumigil sa Carmen para respondehan ang pag-aaway ng mga magkakapatid base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis.
Dagpag dito, ayon sa ulat nakita ni Nuñez na may hawak na baril ang isa sa mga magkakapatid na si Carlito Jayson at pinaputukan siya ay hindi natamaan.
Gumanti ng putok si Nuñez at napatay si Carlito na siyang naging dahilan na para pagtulungan siya ng mga kapatid ni Carlito at barilin siya sa pamamagitan ng kanyang baril ayon sa mga saksi.
Nakillala ang mga suspek na sina Kardo, Jaime, Carlo at Camilo.
Kaugnay nito, sa naging pagtugis ng pulis sa mga suspek ay napatay nila si Kardo at Camillo habang nakatakas naming si Jamie at naaresto si Carlo.