Nakunan ang pinakamatandang apo ni Queen Elizabeth II na si Zara Tindall tagapagsalita nito at ng kanyang asawa si Mike Tindall.
Noong nakaraang November 30 ng ianunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng pangalawang anak.
Magiging pang 18th in line sa British throne at ika-anim na apo sa tuhod ng 90 taong gulang na si Queen Elizabeth II sana ang anak ng mag-asawang Tindall.
Ayon sa tagapagsalita ng mag-asawa, na sobrang malungkot ang dalawa sa naturang insidente at kanilang hinihiling ang pagrespeto sa kanilang privacy.
Lumabas ang naturang ulat matapos magsama-sama ang British royal family sa pribadong Sandringham country estate sa Norfolk, Eastern England para sa kanilang tradisyunal na Christmas get-together.
Hindi na nagbigay ng detalye ang kanilang tagapagsalita sa naging dahilan ng miscarriage ni Tindall.