Signal Number 3, nakataas na sa tatlong probinsya sa Bicol Region

PAGASA file photo

Napanatili ng Bagyong Nina ang kanyang lakas habang papalapit sa Bicol area.

Ayon sa Severe Weather Bulletin #10 ng PAGASA na inilabas kaninang alas una ngmadaling araw, namataan ang mata ng bagyo sa layong 280 km Silangan ng Virac, Catanduanes.

Umaabot sa 175 kph ang maximum sustained wind ng Bagyong Nina at may pagbugso naman na nasa 215 kph habang kumikilos pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 13 kph.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 3 sa lalawigan ng Catanduanes, Albay at Camarines Sur.

Signal Number 2 naman sa Southern Quezon, Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao at Burias Island, Albay, Sorsogon at Northern Samar.

Habang Signal Number 1 sa Bataan, Southern Zambales, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Island, Aurora, Romblon, Marinduque, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Oriental Mindoro, Aklan, Capiz, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Bantayan Island at Metro Manila.

Inaasahan na magla-landfall ng hapon o gabi bukas, araw ng Pasko sa Catanduanes.

Tinatayang ang dalang ulan nito ay moderate to heavy sa loob ng 500 km diameter nito.

Posible namang umabot sa 2.5 meters ang storm surge sa mga coastal areas ng Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes kaya mapanganib ang pumalaot sa seaboards ng Luzon, Samar at Leyte.

 

Read more...