Hindi baba sa 12 katao ang nasugatan sa matapos maghagis ng granada ang hindi pa nakikilang suspek sa kalsada patungo sa Sto. Nino Parish Church sa Midsayap, North Cotabato habang nagaganap ang Christmas Eve Mass.
Pinasubalian ni Fr. Jay Virador ng Oblates of Mary Immaculate, co-presider ng Nativity of the Lord Mass ang mga paunang ulat na tatlo ang namatay sa naturang pagsabog.
Ayon Virador, naganap ang pagsabog bandang 9:45 p.m. sa layong 30 meters mula sa main entrance ng simbahan kung saan may mga tao.
Dagdag pa ni Virador na kanilang ikinalulungkot ang nagyari dahil dapat tanging pagmamahal at kapayapaan ang pinapalaganap sa araw ng kapaskuhan.
Hinagis ang nasabing granada sa tabi ng isang police patrol car na nakagarahe sa harap ng simbahan.
Isa sa mga nasugatan ay isang pulis ayon kay Senior Police Officer Johny Caballero. Matapos nito, nagkaroon pa ng komosyon sa loob mismo matapos may sumigaw na may bag na iniwan na siyang naging sagilan ng paglabas ng mga tao sa loob ng simbahan.
Sinabi naman ni Midsayap town police chief Supt. Bernardo Tayong, patuloy ang pagkalap ng mga bomb experts sa lugar ng insidente para kumuha ng ebidensya habang may mga ulat pang natatanggap na may isa pang granada o improvised bomb ang nasa compound ng simbahan.