Erap, nakalabas na ng ospital

Joseph-estradaNakalabas na si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng ospital matapos payagan ng doktor na makauwi ngayong Pasko dahil sa pneumonia.

Batay sa tauhan ng sisenta y nuwebe anyos na alkalde, nasa maayos na kalagayan na ito kung saan agad pa daw itong nagtrabaho sa kabila ng pagkaka-ospital.

Sa kabila ng pagkakalabas, mahigpit na binalaan ng doktor ni Erap na itigil na ang paninigarilyo upang maiwasan ang anumang komplikasyon.

Samantala, matatandaang sinabi ng senador na posibleng sa ospital magdiriwang ng Kapaskuhan ang ama bunsod na rin ng rekomendasyon ng kaniyang doktor.

Read more...