Ilang lugar sa Samar provinces lubog na sa baha dahil sa bagyong Nina

Nina 7pmRamdam na ang malakas na ihip ng hangin at buhos ng ulan sa lalawigan ng Eastern Samar.

Sinabi rin ni Office of the Civil Defense Region 8 Director Edgar Posadas na nakatatanggap na rin sila ng ilang mga reports kaugnay sab aha na nararanasan ngayon sa ilang bayan sa mga lalawigan ng Northern Samar at Biliran City.

Sa bayan ng Palapag, sinabi ni Posadas na nagpapasaklolo na ang lokal na pamahalaan doon para sa dagdag na mga tauhan na magsasagawa ng rescue mission sa ilang binabahang lugar.

Nasa ilalim na ng signal number 2 ang mga lalawigan ng Northern at Eastern Samar sa kasalukuyan.

Bago pa man ang pagpasok sa bansa ng bagyong Nina ay ilang araw na ring binabayo ng malakas na buhos ng ulan ang nasabing mga lalawigan.

Samantala, muling nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na bawal na ang paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat sa nasabing mga lugar.

Read more...