Metro Manila at ilan pang lalawigan isasailalim na sa signal number 1 ng bagyong Nina

Nina 5pmPatuloy sa paglakas ang bagyong Nina habang papalapit sa Timog Luzon kasama na ang Metro Manila.

Sa kanilang inilabas na weather advisory, sinabi ng Pagasa na alas-otso ng gabi mamaya ay posibleng isailalim na ang Metro Manila sa typhoon signal number 1.

Kasama rin dito ang mga lalawigan ng Rizal, Laguna, Batangas, Mindoro Provinces, Aurora, Cavite, Laguna, Bulacan, Aklan at Capiz.

Ang bagyong Nina ay huling namataan kanilang alas-kwatro ng hapon sa layong 320 kilometers Northeast ng Borongan City sa Eastern Samar.

Lalo pang lumakas ang bagyo sa 175 kilometers per hour at pagbugsong umaabot na sa 215 kph.

Lumaki rin ang kanyang sakop na lugar sa 500 kilometers in diameter.

Nakataas na ang signal number 2 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern Samar.

Signal number 1 naman sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon, Masbate kasama ang Ticao and Burias Island, Marinduque, Quezon at Polillo Island.

Kasama rin dito ang mga lalawigan ng Samar, Eastern Samar, Biliran, at Hilagang bahagi ng Leyte.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga nakatira sa mga mababang lugar na maging alerto sa biglaang pagtaas ng tubig dulot ng malakas na pag-ulan.

Bukas ng hapon o gabi ay inaasahang magla-landfall ang bagyong Nina sa Virac, Catanduanes ayon sa latest weather advisory ng Pagasa.

Read more...