Lakas ng lindol sa Occidental Mindoro kahapon itinaas ng Phivolcs sa Magnitude 5 mula 4.3

Mula sa phivolcs.dost.gov.ph

(updated) Nagpalabas ng updated information ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lindol na naganap kahapon, Agosto 9, ng tanghali sa Occidental Mindoro.

Mula sa naunang impormasyon na magnitude 4.3, itinaas ng Phivolcs sa magnitude 5 ang lindol na naganap sa Paluan, Occidental Mindoro, alas 12:49 ng tanghali.

May lalim na 24 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Mas marami rin ang naitalang intensities ayon sa Phivolcs kumpara sa naunang napaulat kahapon.

Naitala ang intensity 4 sa Paluan, Abra de Ilog; at sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Intensity 3 naman sa Tagaytay City; at sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Naitala ang Intensity 2 sa Batangas City; Bauan, Batangas; at sa Victoria at Calapan sa Oriental Mindoro. Habang Intensity 1 ang naitala sa Pasay City.

Ayon sa Phivolcs walang napaulat na pinsala sa naganap na pagyanig, pero inabisuhan ang mga residente sa posibleng aftershocks./ Dona Dominguez- Cargullo

Read more...