Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Robredo na sa panahon na dapat nagdiriwang ang bansa pero nalulungkot aniya siya na may nakalutang na pangamba ang sambayanan.
May mga survey kasi kamakailan na nagsasabing may nararamdamang takot at pag-aalala ang kapwa niya mga Pinoy sa umiiral na mga extra judicial killings sa bansa.
Sa kabila nito, naniniwala ang pangalawang pangulo na kaya ng bawat Filipino na hawiin ang kadiliman at magdala ng ligaya sa bayan.
Sa ganitong paraan aniya, ang ningning ng dekorasyon at mga ilaw sa kapaligiran ay kikinang din sa mga puso ng mga mamamayan ngayong Pasko.
MOST READ
LATEST STORIES