Inatasan ni Pope Francis ang mga opisyal ng Vatican na magbigay sa mga kwalipikadong kababaihan sa trabaho sa central buereaucracy ng Simbahang Katolika o Curia.
Ayon sa Santo Papa, makakabuti aniya kung isasaayos ang mga departamento sa simbahan upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang tao partikular kung saan ito bihasa.
Sa kaniyang Christmas speech, pinaalala pa nito sa mga opisyal ang repormang isinulong noong 2013 kung saan “mantsa” aniya ang dapat katakutan at hindi ang “wrinkles” sa mukha pagdating sa usaping-trabaho.
Kaugnay nito, naglabas ng labing dalawang prinsipyo na hahalili sa naturang reporma.
Ilan sa mga ito ang mas mabuting koordinasyon, dedikasyon sa serbisyo, pagiging bukas sa aniya’y “the signs of the times” at Catholicism.
Paliwanag ng Santo Papa, importanteng mabigyan ng atensyon ang iba pang saklaw na multiculturalism sa tulong ng papel ng mga kababaihan.
Samantala, ang naturang reporma ay may kaugnayan sa mga kumalat na balita sa umano’y korapsyon at kontrobersiya sa pagbibitiw ni Benedict XVI bilang Santo Papa noong 2013.