Kanselado ang may labing-walong mga domestic flights sa bansa dahil sa bagyong Nina.
Sa ulat ng Office of the Civil Defense (OCD), karamihan sa mga suspendidong flights ay mga byahe ng Cebu Pacific na may byaheng Catanduanes, Albay, Naga at Cebu.
Sa kasalukuyan ay dumaranas ng pag-ulan sa nasabing mga lugar dulot ng bagyong Nina.
Pinapayuhan rin ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga ticketing office ng kanilang mga airline companies para sa kaukulang refund o rebooking.
Samantala, sinabi naman ng Philippine Coast Guard na otomatikong suspendido ang byahe ng mga pampasaherong barko at mga bangka sa mga lugar na may typhoon signal.
Nasa ilalim ngayon ng signal number 1 ang mga sumusunod na lugar:
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Sorsogon
- Masbate
- Ticao at Burias Islands
- Northern Samar
- Eastern Samar
MOST READ
LATEST STORIES