Ang mga nasabing kaso laban sa kanila ay may kinalaman sa P2.28 bilyong halaga ng City Hall carpark building sa Makati na umano’y overpriced.
Gayunman, sinabi ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na hindi dapat masakripisyo ang justisya sa pagpapabilis ng proseso.
Aniya, tulad ng sinasabi ng Korte Suprema, dapat may kaakibat na hustisya ang bilis ng kilos ng korte, at ito naman aniya ang kanilang ginagawa.
Si Tang ang pinuno ng Thrid Division ng Sandiganbayan na may hawak sa mga kaso ng mga Binay.
Natambakan aniya sila ng 20 iba pang mga motions for judicial determination of probable cause mula sa mga kapwa akusado ng mga Binay, at pawang mga “under study” pa rin ang mga ito.
Kailangan kasi aniyang isa-isahin talaga ang mga ito upang makabuo ng judicious determination base sa lahat ng grounds na naipabatid sa bawat mosyong inihain.
Matatandaang inakusahan ng graft and malversation ng Office of the Ombudsman ang mga Binay at iba pang opisyal ng lungsod ng Makati, dahil sa umano’y pagpabor sa kanilang mga preferred contractors sa bidding ng design at construction ng bagong gusali.