Bumubuo na si Executive Sec. Salvador Medialdea ng isang executive order na magbibigay kapangyarihan sa naturang task force para imbestigahan ang mga alegasyon tungkol sa mga online gambling firms.
Umaabot kasi umano sa trilyong piso ang ikinalulugi ng pamahalaan taun-taon ayon kay Pangulong Duterte, dahil sa mga ito.
Matatandaang noong Huwebes, laharan nang ipinag-utos ng pangulo ang pagpapasara sa mga online gambling operations sa bansa.
Ngunit, nilinaw ni Aguirre na ang itinutukoy lang ng pangulo ay iyong mga kumpanyang nakakuha ng lisensya mula sa Cagayan Economic Zone Authority (Ceza), Aurora Pacific Economic Zone (Apeco), Authority of the Freeport Area of Bataan (Afab) na dating Bataan Export Processing Zone.
Sa nasabing kautusan, hindi aniya damay dito ang mga online gaming operations na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Target aniya ni Pangulong Duterte ang mga operasyon ng online gaming na lumalabag sa mga batas ng bansa kaugnay sa mga sugalan, batas sa pagbubuwis at iyong mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Hindi aniya kasama dito ang mga kumpanyang sumusunod naman sa mga patakaran ng pamahalaan.