Bagyong Nina, bahagyang lumakas

Bahagyang lumakas ang bagyong Nina habang patuloy itong kumikilos patungo sa direksyong West Northwest.

Base sa 10:00pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan angn bagyo sa 570 kilometers sa East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

May taglay na lakas ng hangin ang bagyong Nina ng hanggang sa 115 kilometers per hour, at pagbugso na 145 kilometers per hour.

May bilis naman ito na 19 kilometers per hour patungo sa direksyuong West Northwest.

Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Nothern Samar at Eastern Samar.

Inaasahan namang mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na sakop ng 400 kilometers diameter ng bagyo.

Tinatayang magla-landfall naman ang bagyo sa Catanduanes sa mismong araw ng Pasko, December 25, ng hapon o gabi.

Read more...