11 sugatan sa aksidente sa Kennon Road sa Baguio City

FILE- Kennon Road. PHOTO by OMPONG TAN/CONTRIBUTOR
FILE- Kennon Road. PHOTO by OMPONG TAN/CONTRIBUTOR

Aabot sa labingisang katao ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang delivery truck na nagresulta sa karambola ng mga sasakyan sa Kennon Road.

Naganap ang aksidente ala 1:00 ng hapon ng Biyernes sa bahagi ng Camp 8 village malapit sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Umabot sa labingdalawang sasakyan ang nadamay sa aksidente.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima ayon kay Rafael Valencia, pinuno ng Rescue 911 On Call volunteer group na rumesponde sa insidente.

Sa ulat, isang six-wheel truck na nakatakda sanang magdeliver ng frozen chickens sa isang mall ang nawalan ng preno.

Ang nasabing aksidente ay nagresulta din sa pagka-antala ng daloy ng traffic sa Kennon Road.

 

Read more...