Umarangkada na ang Parade of Stars para sa walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nagsimula ang parada sa bahagi ng Mejan Garden sa City Hall, umikot sa mga lansangan sa lungsod at sa magtatapos sa Plaza Miranda.
Pagdating sa Plaza Miranda ay magkakaroon din ng maiksing programa.
Pabonggahan ng float ang walong pelikulang kalahok sa MMFF na kinabibilangan ng Oro, Kabisera, Sunday Bauty Queen, Vince, Kath and james, Die Beautiful, Seklusyon, Saving Sally at Ang babae sa Septic Tank 2.
Present naman sa bawat float ang mga pangunahing artista ng bawat pelikulang kalahok, gaya ng superstar na si Nora Aunor, Eugene Domingo, Rhian Ramos, Julia Baretto, Paolo Ballesteros at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES