Base sa datos ng search engine na Google, pinili ng Time Magazine ang “most searched” na mga personalidad sa 160 na mga bansa sa mundo.
Kung sa buong mundo naman ang pag-uusapan, si US President-elect Donald Trump ang most search sa google.
Ayon sa Time Magazine, si Trump ang “top trending peson” sa 88 mga bansa ngayong 2016.
Sa bansang Peru, “most searched” si Julio Guzman, na tumakbo sa pagka-pangulo pero na-disqualify ito.
Most searched naman ang dating pangulo ng Brazil na si Lula da Silva.
Si Da Silva ay naakusahan ng corruption at money laundering.
Ang ilan pa sa mga most searched na mga personalidad sa ibang bansa ay ang mga sumusunod:
Sa Colombia – ang Olympic medalist na si Mariana Pajon
Sa Singapore – ang swim champion at Olympic Gold medalist na si Joseph Schooling
Sa Morocco – nanguna si Leonardo DiCarpio
Sa Montenegro ay si Gigi Hadid
At si Angelina Jolie sa Tunisia.