Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Chris Villarin, ng SCTEX traffic center, sinabi nito na idineklarang dead on arrival sa Jecson Hospital ang isang pasahero ng isang Hi-Ace van.
Sinabi pa ni Villarin na ang Hi-Ace van ang sumalpok sa sinusundan nitong Isuzu mini truck na sumalpok naman sa 10-wheeler truck na nasa unahan nito sa bahagi ng Km 88 post ng naturang expressway.
Dagdag pa ni Villarin, dahil namonitor nila sa CCTV ang aksidente ay agad silang nakapagpadala ng emergency medical service unit at nadala ang mga sugatan sa ospital.
Nang maitabi ang mga sasakyan ay bumilis na rin naman ang daloy ng mga sasakyan na patungo sa direksyon ng TPLEX./Jan Escosio