Mahigit isangdaang Mangyan at Badjao na nagtipun-tipon sa isang madamong bahagi ng Sta. Mesa Maynila ang naiglitas ng mga tauhan ng Municipal Social Welfare Development ng Maynila.
Galing sila sa Bongabon, Oriental Mindoro at bumiyahe pa-Maynila kahapon.
Mula Bongabon, nagtungo umano sila ng Calapan, sumakay ng barko, nag-jeep patungong Calamba at saka nag-bus patungong Maynila.
Anila, taun-taon ay lumuluwas sila ng Maynila para makapamasko, mula December 22 hanggang December 26.
Agad din naman umano silang umuuwi ng Mindoro, at hindi nila alam na bawal pala ang manlimos.
Natagpuan sina ng mga tauhan ng MSWD sa madamong bahagi ng Sta. Mesa malapit sa riles ng tren.
Dinala sa Jose Fabella Center at sa Manila Action and Reception Center ang grupo ng mga Mangyan at Badjao na may mga kasama pang bata at sanggol.
Maari din sila ipahatid pauwi sa Mindoro.
WATCH: Galing sila sa Calapan Oriental Mindoro at namalagi sa isang madamong bahagi ng Sta Mesa Manila | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/QUokC9ZkuH
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 23, 2016