Biyahe patungong Bicol at Samar, tuloy pa; mga pasahero humahabol na makauwi sa probinsya bago tumama ang bagyong Nina

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Maraming pasahero ang humahabol na makabiyahe pauwi sa kanilang mga lalawigan, lalo na sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Nina.

Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, tuloy pa ang pag-alis ng mga bus na biyaheng Bicol at Samar.

Ito ay sa kabila na ang nasabing mga lugar ang tinutumbok ng bagyong Nina.

Umaasa ang mga pasahero na makakarating sila sa mga lalawigan, bago pa tumama ang bagyo o bago magtaas ng public storm warning signal ang PAGASA at suspendihin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat.

Sa sandali kasing maglabas na ng public storm warning signal ang PAGASA, wala nang papayagang sasakyang pandagat na makapaglayag sa mga lugar na apektado ng bagyong Nina, at ma-i-stranded sa mga pantalan ang mga pasaherong nakasakay na ng bus galing Metro Manila.

 

Read more...