Naaresto ang higit sa 100 pinaghihinalaang drug pushers sa Taguig City, dahil sa mas pinaigting na kampanya at operasyon ng lokal na pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa report ng Taguig City Government nasa 114 drug pushers ang inaresto. Kabilang sa mga naaresto ay ang nasa 2nd, 4th, 5th, at 8th ng listahan ng mga Most Wanted sa lungsod.Pinangalanan ang 4th most wanted ng lungsod na si Richard Silvestre na nakuhanan ng 40 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga na P200,000.
Kabilang sa mga nahuling suspek sina Mardie Talampas, Jackie Abone, Rawie Castro, Bernardo Eslao, Aileen Magpantay, Alexander Manalo, Nyljohn Peralta at mga ilang miyembro na nasabing samahan.
Ayon pa sa local government, tumaas ng 70% ngayong taon ang bilang ng mganaaarestong may kinalaman sa droga, kumpara noong 2014 na may 68 nba naaresto.
Ayon kay Taguig City plice chief Senior Supt. Feliz Asis, may kabuuang 213.997 gramo ng shabu at 37.804 gramo ng marijuana ang nakumpiska simula nang taon.
Ibinahagi naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na maituturing na isang tagumpay dahil nahuli na ang hinahanap nila, kasama na ang mga gramo ng shabu na maaaring makaimplwensya sa mga bata. Ayon sa alkakde, walang kalulugaran ang ilegal na droga sa kanilang komunidad, dahil nakakasira din ito ng buhay ng nakararami.
Target ng lokal na pamahalaan na mabura na ang Taguig sa listahan ng mga “hotspot” para sa mga ilegal na droga./Stanley Gajete