Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kabilang sa mga posibleng ma-reshuffle ay mga Regional Election Directors (RED), Provincial Election Supervisors (PES) at City/Municipal Election Officers (EO).
Maaaring gawin aniya ang reshuffle bago magtapos ang taong 2015.
Paliwanag ni Jimenez, ang reshuffle ay bahagi ng standard na paghahanda ng Comelec para sa halalan.
Nilinaw naman ni Jimenez na magkakaroon muna ng evaluation kung kailangan ng reshuffle at dedepende pa rin ito sa Comelec En Banc upang maiwasan ang koneksyon ng mga poll body employees sa mga kandidato sa halalan.
Batay sa Comelec Employees Union, may labing anim ang RED’s, 80 PES’s at mga ES at mahigit 1,500 mga E-Os sa buong bansa./ Isa Avendaño-Umali