Muling nagpa-alala ang Maynilad sa mga residenteng apektado na mag-imbak na ng tubig para sa ilang araw na water interruption na magsisimula ngayon, August 10.
Kabilang sa mga lugar na maapektuhan ng water interruption mula alas 11:00 ng umaga at ala 1:00 ng hapon ang mga bahagi ng Muntinlupa, Caloocan City, Maynila, Makati, Las Pinas, Paranaque City at sa malaking bahagi ng Cavite.
Ang mga residente sa Maynila, noong weekend pa nagsimulang magbilihan ng drum na magagamit nila sa pag-iimbak ng tubig. Tiniyak naman ng Maynilad na rarasyunan nila ng tubig ang mga apektadong lugar, lalo na ang mga itinuturing nilang mayroong critical areas.
Ayon kay Maynilad spokesperson Grace Laxa, ang mga lugar na itinuturing nilang critical areas ay ang mga may ospital at iba pang mahahalagang establisyimento.
Hindi aniya maaring mabalam ang operasyon ng mga pagamutan, kaya ang mga apektadong lugar sa Metro Manila at Cavite na mayroong mga pagamutan, ay susuplayan nila ng tubig.
Katuwang din ng Maynilad ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagrarasyon.
Maging ang mga bilangguan ay susuplayan din ng tubig ng Maynilad.
Narito ang listahan ng mga lugar na maapektuhan ng water interruption mula ngayong araw:
• MUNTINLUPA CITY (41-hour service interruption)
11 a.m. ng August 10 (Lunes) hanggang 4 a.m. ng August 12 (Miyerkules)
– Bahagi ng Barangay Buli, Cupang at Sucat
• CALOOCAN CITY (37-hour service interruption)
1 p.m. ng August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. ng August 12 (Miyerkules)
– Brgys. 21, 24, 25, 26, 27, 30, 32, 33, 34 at 35
• MAYNILA (37-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. August 12 (Miyerkules)
– Tondo – Brgys. 1 to 20, 25, 26, 28 to 39, 41 to 112, 116 to 123, 128, 147 to 186, 221 to 267
– San Nicolas – Brgys. 268 to 276, 281 to 286
– Binondo – Brgys. 287 to 296
– Port Area – Brgys. 649 & 650
– Sta. Cruz – Brgys. 297 to 316, 326 to 335, 353 to 362
– Intramuros – Brgys. 654 to 658
– Ermita – Brgys. 659 to 661, 660-A, 663, 664, 666 to 676
– Paco – Brgys. 686, 687, 830, 832
– Malate – Brgys. 688 to 713, 715 to 727, 729 to 744
– Sta. Ana – Brgys. 745 to 762
– Pandacan – Brgys. 833 to 840, 842, 844 to 846, 848, 849, 853, 855 to 858, 860 to 862, 864, 865, 867, 868, and 870 to 872
• MAKATI CITY (37-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. August 12 (Miyerkules) – – Barangay Palanan
• PASAY CITY (37-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 2 a.m. August 12 (Miyerkules)
– Brgys. 1 to 9, 14 to 23, 33 to 37, 41 to 75, 80 to 144
• PARAÑAQUE CITY (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 12 (Miyerkules)
– BF Homes
– HEVA, Inner Circle, PDP, GAHA, Executive Triangle, 4S, Garden Rio, Menlo, West Executive, Pablo Roman, EVS, EVA, Villongco/Southbay Homes
– Don Galo
– Marina Bay Homes, Marina Baytowns, Cleveland Towers, Burgundy, Palm Coast Marina, Sentosia
• BACOOR CITY, CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Alima
– Aniban I-V
– Banalo
– Bayanan
– Campo Santo
– Daang Bukid
– Digman
– Dulong Bayan
– Habay I to II
– Kaingin (Poblacion)
– Ligas I to III
– Mabolo I to III
– Maliksi I to III
– Mambog I to V
– Molino I to II & VI
– Niog I to III
– P.F. Espiritu (Panapaan) I to VII
– Real I & II
– Salinas I
– San Nicolas I to III
– Sineguelasan
– Talaba I to IV & VI to VII
– Zapote I to V
• IMUS CITY, CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Anabu I-A to I-F, II-A & II-B, II-D to II-F – Bayan Luma I to IX
– Buhay na Tubig
– Bucandala I to V
– Carsadang Bago I & II
– Malagasang I-A to I-F & II-A to II-G
– Medicion I-A to I-D, II-A & II-B, II-D to II-F
– Pag-asa I & II; Palico I to IV
– Poblacion I-A to I-C, IIA & II-B, III-A & III-B, IV-A to IV-D
– Tanzang Luma I, III, IV & VI
– Toclong I-A to I-C, II-A & II-B, III-A & III-B, IV-A to IV-D
• CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Cavite City
– Kawit
– Noveleta
• ROSARIO, CAVITE (26-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 3 p.m. August 11 (Martes)
– Rosario Water System
– Kanluran
– Muzon II
– Poblacion
– Sapa III
– Silangan I & II
– Wawa II & III
• MUNTINLUPA CITY (24-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 1 a.m. August 11 (Martes)
– Bahagi ng Alabang at Ayala Alabang
• LAS PIÑAS CITY (21-hour service interruption)
1 p.m. August 10 (Lunes) hanggang 10 a.m. August 11 (Martes)
– Almanza Dos
– Almanza Uno
– B.F. International (CAA)
– Manuyo Uno (Perpetual Village)
– Manuyo Dos (BF Martinville, Tiongquiao, Woodsrow 3, Doña Manuela)
– Pamplona Uno
– Pamplona Dos
– Pamplona Tres
– Pilar
– Pulang Lupa Uno
– Pulang Lupa Dos
– Talon Uno
– Talon Dos
– Talon Tres
– Talon Kuatro
– Talon Singko
– Zapote
Pinayuhan din ng Maynilad ang publiko na tiyaking malinis ang mga balde at drum na paglalagyan nila ng tubig./ Dona Dominguez-Cargullo