P20 Million na bahagi ng suhol ni Jack Lam nasa CIDG na

HUMAN INTEREST                     JANUARY 3, 2015         Bureau of Immigration               INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
Inquirer file photo

Nilinaw ni Bureau of Immigration Commisioner Jaime Morente na wala siyang maibabalik na pera na sinasabing bahagi ng P50 Million extortion money na nagmula sa gambling tycoon na si Jack Lam.

Ipinaliwanag ni Morente na wala sa kanya ang hinahanap ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na P20 Million na umano’y bahagi ng bribe money na kinuha ng mga sinibak na Immigration Deputy Commissioners na sina Al Argosino at Michael Robles.

Ayon kay Morente, naibigay na ng sinibak na Intelligence Chief ng Bureau of Immigration na si Charles Calima ang nasabing salapi sa Criminal Investigation and Detection Group nang siya’y imbestigahan ng mga ito.

Nauna nang inamin ni Morente na initusan niya si Calima na magsagawa ng counter intelligence laban kina Robles at Argosino.

Kahapon ay binigyan ng 24 oras ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre si Morente para isauli ang P20 Million na bahagi ng suhol mula kay Jack Lam.

Magugunitang P30 Million lamang ang isinauli nina Argosino at Robles nang lumabas sa media reports ang umano’y pagtanggap nila ng suhol mula kay Lam sa pamamagitan ng dating PNP official na si Wally Sombero.

Read more...