Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10924 o ang General Appropriations Act of na nagkakahalaga ng P3.35 Trillion.
Tulad ng nilalaman ng ating Saligang Batas, makakakuha ang Department of Education (DepEd) ng pinakamalaking pondona nagkakahalaga ng P544.1 Billion.
Sa kanyang talumpati makaraang lagdaan ang 2017 Nationa Budget, sinabi ng pangulo na maituturing na “golden age of infrastructure ang susunod na taon kung saan naglaan ang administrasyin ng P454.7 Billion na pondo para sa Department of Public Works and Highways (DSWD).
Marami ring mga proyekto ang pamahalaan para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko kaya naglaan ito ng P53.3 Billion na budget para sa Department of Transportation.
Malaki rin ang inilaang pondo para sa mga State Universities and Colleges na umaabot sa P58.7 Billion samantalang P18.7 Billion naman ang para sa Commission on Higher Education (CHED).
Tiniyak rin ng pangulo na tuloy ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga kaya itinaas ang pondo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa P148 Billion.
Ang Department of National Defense naman ay mayroong pondo sa 2017 na aabot sa P137 Billion.
Binuhay rin ng pamahalaan ang health care program sa mga kanayunan kaya may budget ang Department of Health na aabot sa P96 Billion.
Para mas mapaglingkuran ang mas maraming mga mahihirap na Pinoy kayaan naglaan ang gobyerno ng P53.2 Billion para sa Philhealth.
Tiniyak rin ng pangulo na magsisilbing pro-people, pro-investment, pro-growth at pro-development ang pondo ng kanyang administrasyon para sa 2017.