2 patay, mahigit 20 sugatan sa salpukan ng dalawang bus sa La Union

AgooPatay ang dalawa katao habang dalawampu’t dalawa naman ang sugatan makaraang magbanggaan ang dalawang bus sa La Union.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Marlon Tumbaga at John Ray Barrios, pasahero ng Dominion Bus na may biyaheng Vigan City.

Agad na binawian ng buhay ang dalawang biktima nang sumalpok ang sinasakyan nilang bus ng Partas na biyaheng Metro Manila naman.

Naganap ang aksidente kaninang 5:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Manila North Road sa Barangay Santa Fe, bayan ng Agoo.

Ayon kay Chief Insp. Elpidio Cruz, hepe ng Agoo police, labing pitong pasahero ng Dominion Bus at sampung pasahero ng Parts Bus ang agad na isinugod sa ospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Nabatid na nag-overtake ang Partas Bus sa isang sasakyan na nagresulta sa pagkakasalpok sa makakasalubong na Dominion Bus sa kabilang lane ng kalsada.

Read more...