Pahayag ito ng Department of Education sa gitna ng isinusulong ng isang Kongresista na dapat mayroon na ring social media subject ang mga kabataan upang maging responsableng netizen.
Pero ayon kay DepEd Asec. Tonisito Umali, masyado nang maraming subject ngayon at baka hindi na kayanin pa ng estudyante ang karagdagang isang oras ng pakikinig at pananatili sa paaralan para sa isa pang bagong asignatura.
Inihayag ni Umali na maaaring isingit na lamang ang social media values sa ibang subject tulad ng good manners and right conduct o values education.
Tutal din naman aniya, taon-taon ay nagkakaroon ng kampanya ang DepEd kaugnay sa pagiging responsableng paggamit ng social media
Kung maalala, noong lamang mga nakaraang buwan ay umusok ang Facebook at Twitter matapos magbangayan doon ang mga pro at anti Marcos kung saan ang iba ay animo’y ”below the belt” na o pagmamalabis na ang kanilang mga komento.