Baguio City, inaasahang dadagsain ng mga turista ngayong Kapaskuhan

Elderly women mixed and matched their homegrown sweaters with thick snow jackets at Burnham Park in Baguio City. The cooling temperatures have allowed local folk to bring out their best winter fashion gear, usually courtesy of Baguio's secondhand clothes stores where snow jackets from the US and Asia are stocked.   PDI-NL PHOTOS / Richard Balonglong
PDI-NL PHOTOS / Richard Balonglong

Marami ng mga turista ang umaakyat sa Baguio City para sa mas malamig na Kapaskuhan.

Ayon sa Baguio City Tourism Office, mahigit isang milyong turista na ang bumisita sa siyudad mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Inaasahan ng naturang opisina na dodoble ang bilang ngayong holiday season.

Isa sa mga tourist destinations ang Christmas Village sa Baguio Country Club.

Naglalaro sa 16 hanggang 17 degrees celsius ang temperatura sa Baguio City sa umaga.

Ayon naman sa PAGASA, bumaba na sa 13.5 degrees celsius ang pinakamalamig na naitalang temperatura sa lungsod ngayong Disyembre at inaasahan pang lalong lalamig sa Enero at Pebrero.

Kanya kanya namang paraan ang mga tao sa Baguio City para ibsan ang lamig gaya ng paghigop ng kape habang ang iba ay nagja-jogging.

Samantala, fully booked na ang mga hotel dahil sa dami ng mga dumadagsang bisita kaya ang mga hindi ma-accommodate ay nananatili sa mga transient houses.

Read more...