Ito ay sa kabila ng mga petisyon na inihain ng ilang tollway operators.
Ayon kay Bert Suansing, spokesperson ng Toll Regulatory Board, masusi nilang pinag-aaralan kung makatuwiran ba ang mungkahing itaas ang singil sa toll fee.
Hindi pa makapagbibigay ng petsa ang TRB kung kailan nila aaksyunan ang mga inihaing petisyon ng mga tollway operators.
Matatandaang noong nakalipas na Setyembre, nanawagan ang North Luzon Expressway o NLEX na itaas ang toll rates sa 20 percent.
Maging ang Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX ay humiling din ng pagtataas sa singil sa toll fee sa 50 percent.
Noong nakaraang buwan naman naghain din ng petisyon para sa toll hike increase na aabot sa 40 percent ang Manila-Cavite Toll Expressway Project – R1 Extension.
Huling nag-apruba ang TRB ng toll rate increase sa NLEX noong taong 2011.