Pasko, magiging maulan dahil sa bagyo-PAGASA

 

Asahan na ng publiko ang basang ‘Pasko’ sa Linggo sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA, isa nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ito’y namataan sa layong 1,755 kilometro ang layo mula sa silangan ng Mindanao at tinatahak ang direksyong pakanluran sa bilis na 23 kilometers per hour.

Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR ngayong araw.

Taglay ng bagyo ang lakas na 55 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 70 kph.

Sa pagpasok nito sa PAR, tatawagin itong bagyong ‘Nina’.

Posibleng tumama sa lupa ang bagyo sa Bicol at Samar at direktang makaapekto hanggang sa mga lugar ng Quezon at Eastern Visayas.

Read more...