Mocha Uson, ambassador na ng MMFF

 

Screengrab/RTVM

Ambassador na ng Metro Manila Film Festival ang sexy performer at masugid na Duterte supporter na si Mocha Uson.

Personal na humarap si Uson sa mga mamamahayag sa Malacañang at inilatag ang kanyang mga plano upang mapalawig ang kampanya para tangkilikin ng taumbayan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Sa pahayag ni Uson,, mismong si MMDA Chairman Thomas Orbos ang lumapit sa kanya at hiniling ang kanyang tulong para maisulong ang promosyon ng MMFF.

Ayon kay Uson, gagamitin niya ang social media upang kumbinsihin ang publiko na panoorin ang lahat ng mga pelikulang Pilipino lalo na ang mga kasali sa Film Fest ngayong taon.

Paliwanag pa ni Uson, panahon na upang suportahan ng Pilipino ang industriya ng pelikula na mistulang napabayaan ng mga nakaraang administrasyon.

Matatandaang umani ng matinding batikos at pagpuna ang sexy performer na si Uson dahil sa mga pahayag nito ng suporta kay Pangulong Duterte.

Lalo pa itong naging kontrobersyal nang gawin itong kolumnista ng isang pahayagan.

Read more...