Concert ni James Taylor sa bansa kinansela dahil sa anti-drug war ng gobyerno

james taylor
Twitter post

Hindi na itutuloy ng Grammy award winner composer at singer na si James Taylor ang kanya sanang nakatakdang concert sa buwan ng Pebrero, 2017 dito sa Pilipinas.

Sa kanyang twitter account, sinabi ni Taylor na ang kanselasyon ng kanyang concert ay may kaugnayan sa kanyang political stand sa ilang mga isyu tulad ng drug-related killings.

Ipinaliwanag ng 68-anyos na si Taylor na “deep concerning at unacceptable” ang mga kaso ng summary executions sa Pilipinas.

Batid din umano ng sikat na singer kung gaano kalawak ang problema ng addiction sa buong mundo pero hindi umano katanggap-tanggap ang mga kaso ng pagpatay.

Humingi rin ng paumanhin si Taylor sa kanyang mga tagahanga sa bansa dahil sa kaselasyon ng kanyang concert.

Sa mga nakabili na ng tickets ay pwede umano itong mai-refund sa pamamagitan ng promoter ng show.

Tuloy naman ang kanyang mga nakatakdang concerts sa Singapore, Hong Kong, Australia at New Zealand sa susunod na mga buwan.

Kabilang sa mga awiting pinasikat ni Taylor ay ang “Country Road”, “You’ve got a friend”, “Fire and Rain”, “Mexico” at “Show the people”.

 

Twitter Photo

 

Read more...