AFP aminadong nagtitipid, flyby inalis sa kanilang 81st anniversary program

FA 50
Inquirer file photo

Aminado si Armed Forces of the Philippines Spokesman BGen. Restituto Padilla na magiging patipid ang pagdiriwang ng 81st Founding Anniversary ng AFP.

Hindi tulad sa mga nakalipas na selebrasyon, walang magaganap na “flyby” ngayong araw ng mga ipinagma-malaking air assets ng Philippine Air Force.

Bukod sa magastos sa aviation fuel, sinabi ni Padilla na ayaw rin nilang maging dahilan pa ng pagsisikip sa kalawakan o air traffic sa Metro Manila.

Pero kung sa Clark Field sa Pampanga gaganapin ang pagdiriwang ay baka sakaling ipanukala pa rin nila ang ‘flyby” ayon sa opisyal.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon kung saan ay inaasahang ihahayag niya ang mga dagdag pa benepisyo para sa mga kawal.

Kabilang din sa mga inimbitahan sa pagdiriwang ay sina Vice President Leni Robredo, dating Pangulong Fidel Ramos at dating Defense Secretary at Sen. Juan Ponce Enrile.

Dahil sa nasabing event ay nagpatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng Camp Aguinaldo na siyang sentro ng pagdiriwang ngayong araw.

Read more...