Duterte tiniyak na hindi lulusot ang abortion sa kanyang termino

Baby feeding
Inquirer file photo

Kahit pabor sa family planning, tutol naman si Pangulong Rodrigo Duterte na itaguyod ang aborsyon sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, dapat ipatupad ang family planning sa pilipinas subalit sa pamamagitan lamang ng paggamit ng pills, ligation at iba pang makabagong pamamaraan ng pag-kontrol sa paglobo ng populasyon.

Sa ngayon aniya, aabot na sa 105 Million ang populasyon sa Pilipinas at patuloy pa ito sa pagdami.

Inihalimbawa pa ng pangulo na noong siya pa ang mayor ng Davao City ay binabayaran niya ang mga nanay na magpa-ligate o di kaya naman ay namumudmod siya ng mga birth control pills.

Kinikilala naman ng pangulo ang pagtutol ng simbahang katolika sa artificial family planning pero iginiit na kinakailangan nang kointrolin ang populasyon ng Pilipinas.

Read more...