Walang nakikitang rason ang Malacañang para patulan pa ang pahayag ni United Nation High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na magsagawa ng imbestigasyon ang Philippine authorities kaugnay sa mga kaso ng pagpatay na sinasabing kinasasangkutan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang may ginawang imbestigasyon ang pamahalaan.
Paninindigan pa ni Abella, lehitimong operasyon ang sinasabi ng pangulo na pinatay niya ang mga kidnapper noong siya pa ang mayor ng Davao City at katunayan ay kinover pa ito ng media.
Malaya aniya ang U.N Commissioner na magpahayag ng kanyang pananaw ukol sa naturang usapin.
Kasabay nito ay nilinaw ng Malacañang na bukas ang pangulo sa anumang uri ng imbestigasyon mula sa U.N pero dapat silang sumunod sa mga kundisyon ng cief executive.