Bagaman ayaw makipag-away sa Simbahan, isusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mahigpit na pagpapatupad ng family planning.
Aniya, ipatutupad ng kanyang administrasyon ang mga kongkretong hakbang para sa reproductive health (RH) program na mariing tinututulan ng Simbahang Katolika.
Magugunita rin na matagal nang nagtatalo si Duterte at ang mga obispo dahil sa kampanya ng kanyang administrasyon kontra iligal na droga at sa pagsulong na ibalik ang parusang kamatayan.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila naiiyak siya sa tuwing bumibisita siya sa ibang bansa, gaya ng Indonesia at Singapore dahil sa progreso ng mga ito.
Inihalintulad pa niya ang Pilipinas sa eroplanong hindi makalipad.
Aniya, posibleng ang populasyon ng bansa, na mahigit isang daang milyon na, ang dahilan ng nahuhuling progreso ng bansa.