Halos isangdaang katao ang isinugod sa ospital dahil sa hinihinalang food poisoning mula sa isang barangay sa Cebu.
Sa report ng Disaster Management office, dalawang ambulansya at labin-dalawang paramedics ang ipinadala nila sa sitio Tawagan, Brgy. Sirao madaling araw ng martes, December 20 para magbahay-bahay at tulungan ang mga biktima.
Ayon sa ulat, maaaring ang pagkain ng panis na spaghetti na ipinamigay sa mga residente ang sanhi ng pagkalason.
Bagamat nakararanas na ng labis na dehydration ang ilan sa mga biktima, mas ninais umano ng mga ito na manatili sa bahay sa halip na magpahatid sa ospital.
Ayon kay Nagiel Banacia ng Cebu City Public Information Office Manager, kinailangang magtaas sa Code Red ang ospital matapos dalhin doon ang nasa 90 pasyente.