Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si US Ambassador to the Philippines Sung Kim na mag-ingat sa pananalita kapag nakikipag-ugnayan sa mga Asians.
Sa talumpati ng pangulo sa harap ng mga negosyante sa Malakanyang, diretsang pinagsabihan ng pangulo si Kim na huwag palabasin ng mga taga-orientals na mistulang patay gutom at umaasa lamang sa mga foreign aid ang Pilipinas at iba pang maliliit na bansa.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa gitna na rin ng banta ng amerika na hindi na nito itututloy ang pagbibigay ng 400 milyong dolyar na ayuda sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, ang ginawa ng Amerika sa Pilipinas ay hindi maaring gawin sa Japan o Korea dahil tiyak na maiinsulto ang mga ito.
Habang ginagawa ng pangulo ang pagbanat, poker face lamang ang ambassador. Pilit na lamang itong ngumiti nang i-recognize na ito ng pangulo sa harap ng mga negosyante na dumalo sa okasyon.