Ayon kay PNOC President at CEO Reuben Lista, itatayo ang energy city sa 21-ektaryang lupa na pag-aari ng ahensya sa mga bayan ng Bauan at Mabini sa Batangas.
Paliwanag ni Lista, itatayo sa loob ng Energy City ang mga power plant para sa liquefied natural gas na mayroong 98 petajoules o katumbas na trilyong litro.
Maglalagay din dito ng regasification plant, liquefication plant at redistribution upang makatulong sa enerhiya na kailangan ng bansa.
Sinabi ni Lista na ang pagtatayo ng Energy City ay hindi upang kalabanin ang mga power plant na nasa lalawigan ng Batangas kundi ito ay upang magsilbing power reserves ng aabot sa 140 hanggang 200 mega watts.