Mga alternatibong paraan para matugunan ang kakapusan ng suplay ng isda,ilalatag ng DA

adjustedPinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) kung papaanong tutugunan ang mawawalang suplay ng isda sakaling simulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagwasak sa mga fish pen sa Laguna de Bay.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, may mga pinag-iisipan na silang alternatabong paraan upang tugunan ang mawawalang suplay na nagmumula sa Lawa ng Laguna.

Sinabi ni Piñol aabot sa 30% ng supply ng isda sa Metro Manila ang mawawala kapag sinimulan na ang paggiba sa mga fish pen. Ilan sa mga posibleng gawin ng DA para tugunan ang mawawalang suplay ay ang paglalagay ng mga fish pen sa mga karagatan tulad ng Batangas, Bataan, at Cavite.

May eksperemento na rin ang DA para sa mga in house fish production para magkaroon ng mga alagang tilapya sa loob lamang ng mga bahay.

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni DENR Secretary Gina Lopez na sisimulan na nilang wasakin ang mga fishpond sa Laguna Lake bilang bahagi ng programa ng gobyerno na linisin ang Lawa ng Laguna.

Sa pagtaya ng DENR, aabot sa 30 libong ektarya ng kabuuang 90 libong ektarya ng Laguna de Bay ang sinakop na ng mga private fish pond owner doon.

Read more...