Barkong lulan ang smuggled na langis tinutugis ng Customs

600758_586201848057834_1923537361_nIsa pang barko na lulan ang mga hinihinalang smuggled fuel oil ang tinutugis ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay BOC Spokesman Col. Neil Anthony Estrella, namataan na nila sa karagatan malapit sa Limay,Bataan ang MT Malolos na pagmamay-ari ng Herma Shipping Inc. na may 13 crew na Pinoy.

Ang nasabing barko umano ay kumuha ng smuggled fuel oil sa MT Alpine Magnolia na una nang nasabat ng BOC sa Port of Limay noong Sabado ng madaling araw.

Lulan ng MT Alpine Magnolia na may 21 Pinoy crew ang 44,000 metriko toneladang smuggled fuel oil na mula sa Singapore.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng nasabing smuggled fuel oil dahil patuloy pa ang imbentaryo.

Read more...