Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hanggang December 31 na lamang ang ibibigay na palugit sa mga importer.
Kapag hindi pa rin nakapagpa-validate sa pagtatapos ng taon ay tuluyan na itong ikakansela.
Tinatayang nasa pitong libong (7,000) importation permit pa umano ang hindi narerevalidate ng DA. Umaabot naman na sa labing dalawang libong (12,000) importation permit na na-revalidate ng ahensya.
Una nang kinansela ng DA ang lahat ng importation permits dahil sa naiulat na katiwalian sa pag-aangkat ng karne at gulay.
Tiniyak din ni Piñol na hindi makakaapekto sa suplay ng karne at gulay sa bansa ang pagkansela ng mga importation permit.