Pag-uusap nina Duterte at Sison ukol sa peace deal, naging produktibo

 

Nag-usap sa telepono sina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Maria Sison, at si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ni Sison na nakausap niya si Pangulong Duterte tungkol sa ilang mga isyu na may kinalaman sa peace negotiations.

Ayon kay Sison, nagkaroon sila ng “friendly and productive” na pag-uusap sa telepono ni Duterte tungkol sa pag-usad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP.

Samantala, bilang founding chair rin ng Communist Party of the Philippines (CPP) na mananatili ang pagpapairal ng unilateral ceasefire declarations ng magkabilang panig sa kasagsagan ng Pasko at Bagong Taon.

Gayunman, pinahiwatig rin ni Sison na walang bilateral ceasefire na malalagdaan ngayong taong ito, dahil pag-uusapan pa ito sa ikatlong round ng peace talks sa January.

Read more...