Nagdala ng mga Pamaskong handog sa mga sugatang sundalo si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa V. Luna Hospital sa Quezon City.
Namigay si Lorenzana ng mga produktong pang-noche buena at gift certificates na nagkakahalaga ng P3,000 sa mga 130 sundalong naka-confine sa Heroes Ward.
Ayon kay Lorenzana, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat maging mapagbigay sa mga sundalo dahil araw-araw silang lumalaban para sa bayan.
Pinasalamatan rin ni Lorenzana ang mga sundalo para sa kanilang mga sakripisyong ibinibigay para magkaroon ng kapayapaan sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES