Balik Pilipinas na si Sen. Leila De Lima matapos ang byahe nito sa Amerika at Germany.
Matatandaang ilang mga kritiko ni De Lima ang kumontra sa paglabas ng bansa ng senador sa pangambang hindi na ito bumalik pa sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito ukol sa droga.
Lumapag ang eroplanong Qatar airways na kinalululanan ng senadora sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 dakong 10:48 ng gabi, Martes.
Gayunman, hindi na nagpakita sa mga mamamahayag na naghintay sa kanyang pagbabalik ang senadora.
Kinumpirma naman ng Media Affairs office ang pagdating ni De Lima kasama ang tatlo nitong staff.
Lumabas ng bansa at nagtungong Estados Unidos si De Lima upang tanggapin ang pagkilala bilang isa sa 100 Foreign Policy Global Thinkers sa Washington D.C.
Sa Germany, nagbigay ito ng talumpati sa Annual Convention on Cultural Diplomacy.