Duterte, walang matibay na ebidensya laban sa mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga

Duterte drugsAminado si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang matibay na ebidensya para ma-convict ang mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, hanggang probable cause lamang ang kanyang kayang ipakita at hindi ang proof beyond reasonable doubt.

Ito aniya ang matinding kalbaryo na nararanasan niya sa paglaban sa ilegal na droga.

Una rito, idinawit ng pangulo sina dating Mayors Wellie Lim, Lawrence Cruz at Vicente Belmonte na sangkot umano sa ilegal na droga.

Read more...