Paghahain ng diplomatic protest laban sa US at China, iginiit na ituloy

harry-roqueDapat pa ring ituloy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsasampa ang diplomatic protest laban sa naging aksyon ng Estados Unidos at China kaugnay sa natagpuang U.S. naval drone sa loob ng Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ayon kay Kabayan PL Rep. Harry Roque, nauunawaan niya ang pagdadalawang-isip ng gobyerno dala na rin sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapaganda ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Ngunit, dapat aniyang maging objectibo ang DFA at ihiwalay ang bagong isyu sa usapin nang pinag-aagawang bahura sa may Spratly islands.

Sa kabila na may kalayaan ang dalawang bansa na dumaan sa EEZ ng Pilipinas ay dapat na igalang pa rin ng mga ito ang bansa na siyang may sakop sa lugar.

Kaya muling iginiit ni Roque na mas makabubuting maghain ng protesta ang DFA upang malaman ng dalawang bansa ang pananaw ng Pilipinas sa naturang isyu.

Idinagdag pa nito na hindi naman tama na hayaan na lamang ng Pilipinas na tumindi ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa na magaganap pa sa naturang rehiyon.

Read more...