Code white alert, itataas ng DOH sa lahat ng ospital sa bansa bukas

fabella-hospitalSimula bukas, araw ng Miyerkules, ilalagay na ng Department of Health sa ‘code white alert’ ang lahat ng mga private at government-owned hospital sa bansa.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang mataas na bilang ng mga firecraker-related at stray bullet injuries ngayong holiday season.

Ayon sa DOH, mananatiling nakataas ang code white alert hanggang January 5, 2017.

Sa ilalim ng code white alert, lahat ng hospital staff partikular na ang mga naka-assign sa emergency rooms ay hindi papayagan na mag-leave sa trabaho.

Kaninang umaga, ininspekyon ni DOH Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial ang Las Piñas Medical Center at sinimulan na ang paglulunsad kampanya ng ahensya na “Iwas Paputok, Community Fireworks Display Ang Patok” para mapababa ang bilang ng mga firecracker at stray bullet incident.

Sinabi din ni Ubial na posibleng pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na magpapatupad ng firecracker ban sa susunod na taon.

Noong nakaraang taon, iniulat ng DOH na isa lamang ang namatay ay mahigit siyam na daan ang nasugutan dahil sa paputok.

Read more...